Nain-love ka na ba?
Para sa sa mga taong nanliligaw…
Nagbabalak manligaw…
Nililigawan…
Naliligaw…
Nag-iintay maligawan…
May naligawan na…
Mga nagbabalak lumagay sa gulo…
At mga taong lumagay na sa gulo…
San ka ba diyan?
Para sa iyo ito!
Ang love ay hindi minamadali…(bakit ka nga ba nagmamadali?)
Hindi pilipilit…(bakit mo na naman pipilitin ang ayaw?)
Bakit nga ba?Unang una…
PAANO MO BA NASABING MAHAL MO SIYA?· Dahil ba natutuwa ka sa kanya? (Mukha ba siyang clown?)
· kaya naman naaliw ka? (Komedyante ba siya?)
· Naswee-sweetan ka ba sa kanya? (Sweet nga ba? O baka naman FLIRT? Baka naman sayo lang siya sweet?)
· Kinikilig ka ba kapag nakikita mo siya? (Lakas ba ng dating niya?)
· Hindi ka ba mapakali kapag naririnig mo ang boses nya? (Baka naman singer?)
Teka, sandali lang…baka naman crush o infatuation lang yang nararamdaman mo. O kaya naman, kagaya din ng sagot mo, naaaliw ka lamang sa kanya…dahil kakaiba siya sa lahat ng mga nakilala mo. Meron bang spark na hindi mo maintindihan?Pangalawa…
GAANO MO BA SIYA KAKILALA?· Madali ba siyang mapikon? (Sana hindi)
· Paano ba siya mabadtrip? (Nananapak?)
· Madali bang mahalata na may topak siya? (Baka galing mental)
· Matagal ba siyang maligo? (Baka libagin?)
· Ano ba ang suot niya sa pag nasa bahay? (Wala?!)
· Shorts ba o jogging pants? (Baclaran o divisoria?)
· Sando ba o t-shirt lang? (Signature o 3 for 100?)
· Kumakain ba siya ng vegetables? (Baka vegetarian?)
· Tamad ba siya? (Pareho lang yata kayo eh?)
· Masipag ba siya? (Sana mahawa ka sa kasipagan niya…)
· Mas gusto pa ba niyang mag friendster kesa magbasa ng libro? (Ako din eh…)
· Mahilig ba siyang maglaro ng PSP? DOTA? PS3? (Marunong ka ba nun?)
· Mayroon ba siyang mga pamangkin? (Cute ba?)
· Makukulit ba ang mga kamag-anak niya? (Masayang pamilya!)
· Ano ba ang kulay ng gate nila? (Meron nga ba?)
· Sa exclusive village ba siya nakatira? (Forbes Park?)
· Nagsisimba ba siya linggo-linggo? (Hmmm…nice sign…)
· Kasama ba niya pamilya niya? (Asteeg!)
· Nagdarasal ba siya bago matulog? (Madasalin talaga!)
Alam mo nga ba ang mga simpleng mga bagay bagay tungkol sa kanya? Na bumubuo ng pagkatao niya?Pangatlo…
KAYA MO BA SIYANG TANGGAPIN?· Sa lahat ng gusto nya sa buhay…(Ano nga ba?)
· Sa lahat ng pag-iinarte niya…(Baka maarte talaga?)
· Sa lahat ng katopakan niya…(Hindi maubos-ubos na jokes at kwento…)
· Sa lahat ng kasalanang nagawa, ginagawa, at gagawin pa lamang…(Ano ba yun?)
· Sa lahat ng naiisip niya…(Ikaw lamang ba?)
· Sa lahat ng kilos niya…(Boring ba kasama?)
· Sa lahat ng sasabihin niya…(Good news or bad news?)
· Sa pagsasalita niya? (Bulol ba?)
· Sa lifestyle nya…(Simple lang ba?)
· Sa pananaw niya sa buhay…(Malalim ba?)
· Sa pagtrato niya sa tao…(Pantay pantay lang ba?)
· Sa uri ng pamilyang mayroon siya…(Masaya ba?)
· Sa mga kaibigang lagi niyang kasama…(Kapareho ba niya?)
· Sa style niya pagdating sa pag-ibig…(Faithful ba siya sayo?)
· Sa pagtawa niya ng pagkalakas lakas…(Over na ba?)
· Sa manners niya…(Good or bad?)
· Sa pagmumura niya…(Kaya mo ba?)
· Sa pang-aasar niya sayo…(Nakakapikon na ba?)
· Sa mga bisyo niya…(Kung meron man…)
· Sa ugali niyang sobrang taas ng pride…(Mahirap yan…)
· Sa mga problemang maaring makasama ka…(Kakayanin mo ba?)
Matanggap mo kaya siya kapag nalaman mo ang lahat lahat sa kanya?Pang-apat…
KAYA MO BANG MAGING TOTOO?· Makakaya mo bang makita ang sarili mo na kasama pa rin ang taong minamahal mo sa isang sitwasyong kapag sumasagi isip mo ay mapapaiyak ka na lamang sa sobrang sakit nang dahil din sa kanya?
· Makakaya mo bang umiyak at magmukhang tanga nang dahil sa pagbubuhos mo ng buo mong pagmamahal at nararamdaman para sa kanya kahit alam mong hindi niya ito pinapahalagahan?
· Kaya mo bang maging ikaw kapag kasama mo siya? Yung tipong wala kayong pakialam sa bawat isa…madapa at mapahiya, mautot ng malakas, tumaksik man ang laway, matawa sa korning jokes, maiyak sa wala namang kadahilanan, mawala man ang manners mo…na wala naman talaga…yun bang hindi ka nahihiya na ipakita kung sino kang talaga dahil alam mong tanggap ka niya…
Kaya mo bang magpakatotoo sa harap niya? Kaya mo bang maging ikaw? Kung natanggap mo siya sa lahat ng kahinaan niya…tanggapin ka naman kaya niya? Matanggap kaya niya ang buong ikaw? Ang totoong ikaw?Minsan kasi akala natin, in-love na nga tayo sa isang tao. Mahal mo siya pero meron pa ring isang taong mas matimbang at mas mahalaga para sayo. In-love ka nga ba sa taong yun? O baka nga infatuation o crush lamang yang nararamdaman mo. Dahil siguro masaya ka kapag kasama mo siya. Napapatawa at napapangiti ka. Napakasarap magmahal…lalo na kung totoo ang pagmamahal na nararamdaman mo. Ngunit hindi lamang puro sarap ang mararanasan mo. Dahil para sa akin, ang pag-ibig ay puno ng pagsasakripisyo at pagpaparaya para sa taong minamahal mo.